Thursday, 16 October 2025

Utang to Estafa

 




Utang to ESTAFA


MAGINGAT SA MGA MANGUNGUTANG!


People will borrow money and forget about it. They will throw tantrums and pretend they owe you. Agreement signed is worthless when you can't get anything as a repayment. 


Ang mangungutang na walang balak magbayad ay dapat kasuhan. Kahit na ito'y may isang kasulatan na naglalaman na kasunduan ang PERANG pinaghirapan ay di na makukuha. Pwedeng ilaban para sa hustisya pero PERANG pinaghirapan ay di na makukuha. Kadalasan hustisya na lang ang laban mo para makaganti pero ang PERA na dapat nakalan para future use mo ay di na makukuha. 


Advice: Mangutang ng may nakasanla, documented, legal, para di talo. Remember, sa mga large scale stafa or syndicated stafa, hustisya nalang ilalaban nyo sa laki ng na "NAI-WALDAS" wala na silang maisosoli. Sa laki ng "NAITAGO", nakakatakas pa sila. Ito'y hindi turuan kang maging madamot. Pero ang PERANG pinaghirapan na para sa pamilya mo lalot na sa emergency funds ay napakahirap kung buhay na nakasalalay at wala kang maihuhugot. 


HUWAG MAGPAPADALA SA KAHIT ANONG PEACE OFFERING lalot na hindi mo alam kung anong klaseng manipulation ito. Mas maiging suriin ng mas nakakaalam at huwag hayaan sila ang kumontrol ng negotiation ninyo. 


Kung ikay nakapadesisyon may makuha, humarap sa abogado para LEGAL AT PATAS ang kasunduan. Importanteng nakadocumento na ito. Bigyan ng deadline dahil ang pagbayad ng pauntiunti ay mas totoo kesa sa isang bagsakang bigay. 


BABALA 🛑 HINDI NASASANLA ANG TITULO! Kapag ito'y ipambabayad na, hinding hindi mo to pwedeng angkinin dahil meron pang tinatawag na DEED OF TRANSFER na kung saan, magkakapirmahan pa ang dalawang nagkasundo at gagastosan pa para maisa-ayos ito.


Kasuhan sa utang lang (not exceeding 1M) under the Civil Case of Small Claim [NO NEED FOR ATTY]. Utang na may panloloko or manipulation upang makakuha ng pera under the criminal case of Estafa.


A PUBLIC AWARENESS.


***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, family's emergency funds. Let's help one another.


#utang #estafa #criminalcase #civilcase #loan #lending #borrowed #scammerawareness #ScamAlert #Scammer #ScammerAlert #Utangserye

No comments:

Post a Comment