Friday, 17 October 2025

"Tubong Lugaw Strategy" Financial Frauds Estafa by Misappropriation

 


"Tubong Lugaw Strategy"

Financial Frauds
Estafa by Misappropriation 


https://bjs.ojp.gov/taxonomy/term/financial-fraud


Magingat sa mga salesman, business partnerships, franchisor, o negosyo grabe ang maka-KICKBACK sa financial reports, negotiation, agreement o benta.


https://ndvlaw.com/another-type-of-fraud-simple-estafa-by-misappropriation/?amp=1


“Tubong-lugaw ” is a Filipino entrepreneurship term for “small capital, large return” investments.


https://fastercapital.com/topics/overpaying-for-a-start-up-business-can-increase-the-likelihood-of-failure.html


Normal sa negosyo magdetermine ng kikitain sa produkto, serbisyo o sa kahit anong pwedeng makuha sa transaction. 


Ngunit hindi normal na bababa sa hindi kahit kailaman magiging legal ang pagpatong ng sobrang laking tubo sa isang agreement o benta kung wala itong tunay o sapat na dahilan para lang umabot sa katakot takot na pagpresyo. Hindi ito magiging legal kung may halong kasinungaling para lang magmukhang legal ang pagkita sa inaalok. Kahit ito'y napirmihan o alam ng isang biktima, pwede itong mauwi sa cheat, fraud o swindle. Bawal ang may tinatago at pagsisinungaling.


Swindle use deception to deprive (someone) of money or possessions.

"a businessman swindled investors out of millions of dollars"

obtain (money) fraudulently.

"he was said to have swindled $62.5 million from the pension fund" by Oxford Dictionary 


Unang halimbawa nalang ang magbenta ng system (technology). Nakasaad sa breakdown ang presyo ng website ng nagkakahalaga ng 900,000 pesos. Kumabaga hindi techy o bago sa industria ang investor, maniniwala nalamang kaagad ito lalot pang hindi ito na review ng eksperto dahilan nalang na nagtiwala sila. At isa sa pinaka mabisang feedback ay maghanap ng negosyante o negosyo na may kasing tulad sa inaalok at magsagawa ng research. May posibilidad ba na ito ay magtatagumpay in a long run? Ilan taon ba bago ito'y mabuo? Willing kabang MAGTAPON AT SUMUGAL sa di siguradong systema na kung saan paglalaan talaga ng pondo ang start up at ito'y walang kasiguraduhan? Kilala mo ba ang ugali ng mga nag aalok na may entrepreneurial discipline para ito mag last into milestones?


Pangalawang example ang mga binebentang machine o appliances. Kung ito ay kakaiba at pambihirang kagamitan, madali na lang talaga higitan pa lalo't na kontrolado nila at mas nakakaalam ng kanilang negosyo. Alamin ang source ng supplier. Huwag magtiwala sa mga resibo na baka naforge or kakuntsaba na ang supplier. Ito ba ay imitation na murang halaga lamang? Ito ba ay second hand? Kung totoo naman, bakit kailangan pang patungin na halos more than 50% para sa gamit pangnegosyo? Kung recycled items, ipasilip sa technicians at alamin ang model ng loob kung ito ba ay nagamit na o luma and reasonable price ba sa nakadeclare sa auditing. Tulad nalang na pinagiinvest ka ng 200k kahit 20k lang naman ang kagamitan.


Susunod pang example ang mga supplies. Kahit na maliit ang patong, tama ba ito'y may kickback sa bawat produkto. Kung may kickback, possibleng hindi ito alam ng kasyoso na kumukupit ng pabaryabarya na dapat sa profit ng opisina mapupunta. Malaki na ang tubo kung tutuusin sa overall and each product ng restocking. Sa ganitong paglusot, as an investor ay karapatdapat lamang na malaman ang pricing contract sa purchasing ng supplies. 


⛔ (This is a must read article.) 🛑

https://missionpeakbrokers.com/overpriced-business/


*Business brokers who provide accurate feedback on more realistic pricing significantly enhance the business being sold and in a timely manner. 

*Credible business brokers that have the training and experience to perform business valuations, should be able to show exactly how they arrived at their listing price. 


Advice: Bago sumugod o maglabas ng pera. IPAIMBESTIGA sa business lawyer o BUSINESS BROKER, business mentor o pwede sa taong nasa loob ng ilang taon na naglalaro sa INDUSTRIA. Magresearch sa history ng negosyante kung meron man, manghingi ng feedback sa knowledge at skills nito lalo na sa past business experience sa nakakakilala sakanila tulad ng previous partnership. Ipagpalagay nalang natin sa mundo ng technology. Dumadami na ang need ng advancement para sa serbisyo ng client o customer. 

1.) Sa tingin ninyo ba 900K ang website? Hindi. Since usapang technology, magpakonsulta sa may expertise sa ganito. Example nito ay isang professional na I.T. Programmer, Web Developer o Software Engineer.

2.) Kung tungkol naman sa MLM ang company, maghanap ng Network Marketing guru na hindi peke ang achievements for show offs. Better mga 20 years na sa Industry at tumagal sa operation or management. 

3.) Kung investment scheme naman, sa isang Stock Broker, Accountant or Financial Advisor.

4.) Kung tungkol sa mga contrata kung gawa-gawa ng walang formality, clauses is misleading, manipulation sa dictation ng pera at trabaho o higit sa lahat ninakaw or kinopya sa ibang company ang kontrata, mag pakonsukta sa Business Lawyers. 

5.) Kung tungkol sa mga gamot, klinika, wellness products dapat pa ito'y mas masilip ng eksperto kung totoo ba ang mga marketing information. Isa itong crucial move ng hindi ma-question ng FDA o DOH. Maghanap ng TUNAY na mga may alam sa MEDISINA, mas maiging specialista ang mga ito. Mas mabuti ng sa hindi basta-basta nagtagal lamang sa Industria, na akala naman mabigat na ang alam sa Nutrition and Food Medicine. Iba padin ang practitioner na licensado kesa sa certificate lang ang training. Papano nalang kung substandard ito? Papano na lamang kung di sapat ang learnings at gamitin ang basic knowledge upang magkatrabaho lamang? Kadalasan sa mga nagaalok ay naturuan lamang sa training kung pano iMarket or iSalestalk ang serbisyo o produkto.


Maging best na halimbawa ay si DRA. Farrah na nag peke ng HAVARD DIPLOMA niya, ng nasilip bigla na itong tinaggal. Si DR. ADAM naman na ang kanyang kinalaban na may 20 YEARS na PRACTITIONER ay ibinabaligtad pa ng WELLNESS BUSINESSES sa Pilipinas. Kahit na kilala, may pera, titulado, o sikat huwag agad maniwala tulad na lang ng NAPASARANG OSPI-OSPITALAN ni Farrah na nagbigay ng false hope sa cancer patients niya. Imbis gumaling, nagsipagmatayan pa. Isa nading naging maingay na kinalaban ni Dr. Adam Smith ang CEO ng Glutalipo at ang DOH naman, konpirmadong unsafe ang COPPERMASK ng JCPremier dahilan sa ang unang design na ito ay may butas.


See documentation on Youtube Jessica Soho for Dra. Farrah. 

https://youtu.be/tsBYQMgms7g?si=JurgqwpmdJ_mSgTw

See video for FDA vs Glutalipo

https://youtu.be/ftyEo82ELdY?feature=shared

https://www.facebook.com/share/p/dQueVe3rgEx71rsY/?mibextid=xfxF2i

See YouTube for CopperMask of JCPREMIER 

https://youtu.be/lXL5feSTySc?si=e68gbIHNG0c2JNnW


"I realized a huge number of people in the population believed they could treat their medical illness with supplements and vitamins which was crazy to me. ... These companies and individuals are very happy to use the Philippine Justice system to silence free speech and to silence any criticism." - Dr. Adam Smith Critical Care Medicine Specialist 


EXPERT MUNA! KUNG WALANG ALAM SA PINAPASOK! Ang minsetting sa negosyo ay napaka daling UMAARTE dahil kailangan ng dark psychology pagdating sa sales. Pinaka masaklap pa na gamitin ang titulong DR. or MD kahit di naman tunay na medical liscened.


Ang pagiging EXPERT ay dumaan sa matagalan pagINVEST sa edukasyon, sakripisyo, at oras. 


At sa pinaka-huling halimbawa. EXPERT KUNO daw kahit ito'y bago lang napag-aralan, bago lang na-serbisyo, bago lang nai-offer o bago lang iNegosyo ng nakasaad sa marketing materials. Isa din sa nakakatakot na ideya na di man lang nagumpisa sa mababang presyo dahil ito'y baguhan pa lamang o isang AMATEUR. Alamin kung mahusay bang nakapag formal training dahilan sa ang legit certificate ay binabayaran na. Icheck ang petsa sa certificate at marketing tactics nito kung realistic ba ang mga pangyayare.


AMATEUR, means a person who follows a pursuit without attaining proficiency or professional status.

AMATEUR often applies to one practicing an art without mastery of its essentials. By Merriam-Webster.com


Kaya hangga't maaari Ipasurvey! Masyadong O.A. ba ang patong na pera? Kung legit at existing, bakit naman sobra-sobra ito? Huwag na huwag maniwala sa kilalang abogado o connection nila. Huwag sa abogado lamang ipareview ang agreement. Mas maiging sa expert na mismo. At maghanap ng negosyanteng pareho sa inooffer nila na may tunay na karanasan ng ILANG TAON operation kung willing bang sumugal sa start up?


(See other Money Wise post for ANGEL INVESTOR and START UP business tips.)


Laging tatandaan! Kung ano man bago sa pandinig lalo na may malaking perang involve, huwag magdesisyon magisa. Huwag magtiwala kahit kaibigan o kamag-anak pa sila. Magpasurvey! Baka naman nagtatapon kana ng MILYON sa di mo kilalang kaibi-kaibigan agad?


Remember, sa mga large scale stafa or syndicated stafa, hustisya nalang ilalaban nyo sa laki ng na "NAI-WALDAS" wala na silang maisosoli. Sa laki ng "NAITAGO", nakakatakas pa sila. Hahayaan ninyo paba ang mandurugas sa buhay ay makalusot o manalo sa kalokohan muli?


MODUS KUNG ITO'Y PAULIT ULIT NG GINAGAWA.


*This is the best legal way of stealing someone's hard earned money secretly. Think about it. In what way you could earn justice from this? If you don't know. 


A PUBLIC AWARENESS.


***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, and family's emergency funds. Let's help one another.


https://www.investopedia.com/articles/fundamental-analysis/financial-statement-manipulation.asp

https://www.quora.com/What-if-a-business-releases-a-fake-financial-report-for-example-if-they-report-a-profit-but-they-actually-lost-money

https://corporatefinanceinstitute.com/resources/accounting/financial-statement-manipulation/


#tubonglugaw #scam #fakenews #estafa #largescale #misappropriation #fraudprevention #FraudAwareness #FraudAlert #FraudAwarenessMonth #falsification #system #business #Healthalert #misleading #modusoperandi #investment #financialfraud #financialplanning #InvestWisely #protectyourinvestment

No comments:

Post a Comment