Ponzi Scheme to Estafa
Mag ingat sa investment na bibigyan ng malaking percent na walang ginagawa!
An investment fraud that pays off existing investors from a collected fund from new members.
Hindi na bago to pero madame pading walang alam at mas masaklap pinapatulan padin ng nakakaalam dahil para sumugal.
Ang ponzi scheme ay isang investment recruitment na pwedeng kumita ng malaki. Monthly pay na may 20% or 30% ang kadalasang pangako at sa isang beses kalang magpay in. Basic Logic, walang totoong investment na kikita agad ng mabilis ng hindi pinaghihirapan. Ang kita ng makukuha ay galing din sa mga bagong investor na narecruit sumali sa scheme. Ang nauna ang mabibiyayaan ng kita at swerteng mabawi ang puhunan kapag di pa bumabagsak ang pyramid. Ngunit, kapag lumaki na at nahuli, pwedeng makakuha pa ng konti or wala na sa dami ng naunang kailangan bayaran, ito'y hindi na balance. Kahit kailan, hindi ito nagkaroon ng business cashflow. WALANG PRODUKTO.
Investment scheme na walang tunay na profit. Galing lang din to sa pera ng sumali. Kung ikaw ay bago dito, bubulagin ka sa percentong makukuha, sa pera at kotseng pangshow offs. Kung ikaw naman ay matagal ng alam ang ganitong galawan at sumali padin, TANTADAAN, isa kading scammer para sumugal, dahil alam mong puhunan ng new members ang pinangbabayad sayo.
Isaisip: Kung ganitong klaseng scheme ay legal naman kumikita at yumaman na walang ginagawa, lahat ng tao sumubok na at di nagsumikap. Walang resultang tunay sa di malinis na gawain, walang balance na calculation sa di tumakbo sa tunay na kalakarang negosyo.
Advice: Kapag ikaw ay nakatunog ng ganitong investment, mas maiging ireport agad eto para matulungan pa ang mga future victims. Kahit anong klaseng programa at presentation kung mabilis ang kitaan ... ang tunay na negosyo pinaghahadaan bago kumita, pinagaaralan bago kumita ng malaki. May ups and downs, learnings, hindi biglaang yaman. Marami mga scammer na gumagamit ng percentage na pangako sa ilang years or ilang buwan may specific profit and percentage. Ang walang alam sa scheme mamabubudol sa salitang government projects, future company plans, upcoming events, show offs na stacks of money or luxury cars, hyping energy na pangaalok, at higit sa lahat, "PATIKIM SA UNANG KITA." Magingat sa documents na kahit ito'y legal sa SEC dahil madali lang mag apply ng first certification kahit di pa operational. Magingat sa pangalan na kilala mapa public or celebrities, proyekto o kilalang partnered company masabing seryosong negosyo ito. Ang mga mayayaman lang ang kumakagat kasi pwedeng alam na nila at sumusugal, pero ang taong walang alam o kayat naman walang pera ay ang tunay na biktima dito.
Remember, sa mga large scale stafa or syndicated stafa, hustisya nalang ilalaban nyo sa laki ng na "NAI-WALDAS" wala na silang maisosoli. Sa laki ng "NAITAGO", nakakatakas pa sila.
A PUBLIC AWARENESS.
***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, family's emergency funds. Let's help one another.
#PonziScheme #InvestSmart #ScamAlert #scammerawareness #scam #PonziScam #investment #financialliteracy #investmentopportunity #MoneyWise #moneymindset #protectyourinvestment #estafa #PyramidScheme #doubleyourmoney #money #investment101 #FinancialFreedom #savings
No comments:
Post a Comment