Friday, 17 October 2025

Multiple Heads under House Bill No. 9377, 18th Congress of the Republic , Sec 5 & 6

 

Multiple Heads under House Bill No. 9377, 18th Congress of the Republic , Sec 5 & 6


AN ACT PROHIBITING THE USE OF PYRAMID SCHEMES OR CHAIN DISTRIBUTION PLANS IN DOING BUSINESS AND PROVIDING PENALTIES THEREFORE AND FOR OTHER PURPOSES.


"THE ONE ACCOUNT POLICY".


Magingat sa mga nagooffer ng multiple accounts or heads sa any same investment scheme identified under this house bill.


Ang dealer, distributor, networker, franchiser, upline, mentor, or kung ano pang pwedeng itawag sa nagaalok ng negosyong maiidentify nagawaing Pyramid Scheme o Chain Distribution Plans ay illegal at pinagbabawal ang MULTIPLE ACCOUNTS or HEADS sa nagiisang pangalan ayon sa sec. 5 and 6.


"Not be limited to" as to identity close to the said inclusion, A MULTIPLE ACCOUNTS considering of having different names in multiple registry of primary head investor by stating as a FAMILY PACKAGE.


Hindi bago ang galawan sa Pyramiding Scheme. Ang paginvest ng multiple accounts ay dati ng retirement at future plan. At isa sa pinakamabisang law of leverage ng dumami pa ang kitaan. Ngunit, ipinagsasabatas na ang paginvest ng napakaraming dealership account kahit ito'y pa ay different names at itago sa salitang family package, Investor's package, Stockists or kung ano paman. Kaya lang naman ito'y ay gustong ipag sa batas, ang nasa ITAAS LANG ANG YUMAYAMAN o tunay na KUMIKITA.


"Base sakin opinion at experience as a former networker, builder or investor na may multiple accounts registered on the same name. Ang MLM ay hindi para sa lahat. Pero isa sa pinaka mabisang TRAINING GROUNDS para sa mga aspiring entrepreneurs. Dahil sa murang investment at libreng learnings but some, paid trainings. Hindi pa din pwedeng siraan ang ganda ng systemang Multilevel Marketing dahil nagsisilbing Law of Leverage lang naman ito ng may matataas na pangarap. Base sakin realization, mas suportahan pa nga sana ito ng ETHICAL NA NETWORKERS dahil ang industriang ito ang nagsisilbing EYE OPENER sa mga magiging negosyante pagtapos nila sa journey bilang isang builder, ... Sa dahilang, ayaw na nilang bumalik ng pagiging empleyado at mas nakakatulong pa sa ekonomiyang mag dagdag pondo at employment sa mamamayan. Ako ang saksi sa iilang maruruming galawan sa loob ng industria pero kahit kailaman hinihikayat ko padin sumali ang magiging bagong henerasyon na lider. Subok ng ilang beses sa iilang kompanya, at akoy tuluyang hindi na babalik. Ang multiple accounts kong nainvest ay di na nabawi. Malayang husgahan ako na isang mahinang recruiter or salesman. Pero ang presyong naisugal ko ay maitutring na PRICELESS sa mga natutunan ko." - An honest opinion


Sa katunayan, hindi naman kailangan maginvest ng multiple entry para yumaman. Tama lang ang isang ACCOUNT, isang HEAD, or isang REGISTRATION FEE para matuto at yumaman. Ang MLM ay isang training grounds lamang, hindi siya for limetime investment or retirement plan unless ang kompanya ay totoong namamayagpag at pinagtrabahuan talaga. Sa computation ng multiple accounts talaga namang mapapabelieve at totoo sa kwentahan ngunit, tratrabahuin ba ng tahimik ang inaalok ng isang nanggugulo? 


Ipagpalagay nanatin na ang naginvest ay napilitang mag rehead ng 3 or 10 na diretso sa tinatawag na POSITIONING dahil pinagsabihan silang "WALANG SISIHAN". Nakaready o naka abang na ang iyong mga accounts sa itaas at ang gagamitin lamang ang "last head" not the "first head". Sa 7 accounts na "PAYONG", KIDLAT, STRAIGHT, Y at may 31 accounts pa kung tawagin, ang iyong accounts ay nakatabi sa gilid for future use. Mas masaklap kung walang residual income ang kumpanya, ang mga accounts na nakakabit sa gilid ay di madadaluyan pataas. 


Ito na ang masaklap na parte sa mga nalugi. Sa unang hakbang ng negosyo maraming nasasayang na unnecessary investment dahil dito na magsisimula ang hirap, hindi MENTALLY, FINANCIALLY at PHYSICALLY READY ang mga investors. Pinipilit silang magjoin kahit hindi nila linya. Sa kaka alok ng negosyo maraming nagququit kasi nabigla sila sa hirap nadadanasin. Pwedeng sumugal o sumubok ng isa lamang SANA kaso nabubulag pa or nasasales talk muli kahit nakapagjoin na. Kapag nakapaginvest na sa kanilang multiple accounts, ang gastos sa panggalaw naman ang kailangan nilang isugal. Lakad, pakape, events, pang-marketing o kung ano paman para lang maging operational ang negosyo. Sa daming SCAMMERS na gumagamit ng scheme para makaipon lang ng PAYINS at magsara agad ang kumpanya, maraming nasisira na pangalan na investors or networkers lalot na yung napajoin nila ay nagmultiple accounts nadin. Sa hirap ng negosyo magalok dahilan sunog na sa market ang salitang pyramid, wala na silang napapajoin. Ang mga nauna lang ang tunay na yumayaman dahil meron silang "multiple accounts per downline" na babanggain para sa pairing bonus nila. Sa last head lamang ang magagamit na may 2 to 3 years ang trabaho, at ang mga nagiintay na accounts ay 5 to next years pa masisimulan ibuild. (Bakit matagal? Kasi wala pong easy money, paghihirapan talaga tulad ng nakaayon sa Law of Leverage. Dadaan sa systema na galawang negosyante.)

Sa katunayan, totoo naman na kikita ka talaga ng malaki, ngunit ang MULTIPLE ACCOUNTS, BEING A BUILDER or NETWORK MARKETING ay hindi para sa lahat. Malulugi lamang ang mga sumubok lalot kung ito ay na na-MINDSET, NAPILITAN, NASCAM, NA-UTO, NAKIDNAP (ex. Invite sa kainan pero seminar pala ng investment ang pupuntahan at pwedeng mabudol na sa cashier. Or worst, tinilungan magbenta, magsanla or mangutang. Ngunit hindi naman tinulungan mabawi ang puhunan.)


Sumali padin at sumubok ng bagong investment para matuto at magexplore sa mundo. Sumugal lamang ng kaunti at huwag magpadala sa manipulation portfolio kung hindi sigurado, hindi nakapag research, kutob kakaiba, or higit sa lahat, ubusuin ang savings o mangutang. Kahit na ang multiple accounts ay may kasamang produkto para magmukhang legit ang negosyo, pagaralan muna at huwag padalos-dalos. Ako ay isang biktima ng ganitong scheme, nasira ang pangalan at inutang ang investment na ngayon pinagiipunan ko pa para lang mabayaran. 


"DO NOT PUT YOUR EGGS IN ONE BASKET." ika nga.


*Nabasa ko lamang po sa internet without legal advices. Hindi din po ako Law student. Maari po akong icorrect kung may misinterpretation ako sa batas ng aking nalalaman. Hindi ko po iniiba ang batas kung ako ay may pagkakamali. Nalaman ko din na ipinagbabawal na ang MULTIPLE ACCOUNTS sa previous company na sinalihan, at mahigpit na PINATUPAD ang One Account Policy ngunit ang pagkakasabe is BONG GO LAW daw na wala naman sa website/records of filed bills niya. Alam ko po sa 2 MLM company naencountered ko ay implemented na ito dahilan sa sinusunod na nila, hahapain ko po ang supporting legal documents and link ng enacted bill from this same post. Sa congress.gov.ph niyan lamang ko po na verified. Based on my basic English comprehension, I think it's clear what stated on House Bill No. 9377, 18th Congress.


Remember, sa mga large scale stafa or syndicated stafa, hustisya nalang ilalaban nyo sa laki ng na "NAI-WALDAS" wala na silang maisosoli. Sa laki ng "NAITAGO", nakakatakas pa sila.


***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, family's emergency funds. Let's help one another.

https://www.philstar.com/business/2022/02/12/2160188/dti-issues-rules-grant-seals-direct-selling-mlm-companies

https://issuances-library.senate.gov.ph/bills/house-bill-no-9377-18th-congress-republic

https://www.dsap.ph/department-administrative-order-no-8/


No comments:

Post a Comment