Mentor/Trainer/Coach
Magingat sa mga taong may skills pero walang leadership personality.
Sa kahit anong trabaho o negosyo, career, pagiging atheleta o sa pag-aaral kailangan meron magmementor sa journey mo. Lahat ng tycoons, celebrities, doctors, politicians, estudyante or aspiring entrepreneurs, hindi pwedeng walang gabay.
Ang Mentor/Trainer/Coach na legal ay kung i-HIRE, naka-kontrata ang usapang sahod/talent fee/professional fee. Kadalasan ito'y ang mga LISENSYADO. Business lawyers, BROKERS, Licensed Consultants, at pwede ding matagal na naglalaro sa chosen career na may evidence ng legit achievements (hindi showoff or binili) or existing long time business, SUBALIT sa huling example na ang dapat pagingatan ng mabuti.
Ang tunay na gabay ay kahit sino. Sa company or sa kahit saang organizations bastat itoy ethical na pagtuturo. Ito ang mga dapat iwasan sa mga nagmementor mentoran or self proclaimed legal coach.
Ang mentor ay hindi dapat...
•NANGUNGUTANG. Ang mentor dapat hindi ng lilimos ng pera kasi ito'y nakakabawas ng integridad sa kanilang subordinates. Kung nais tumulong, HUWAG MALAKI dahil di mo sagutin ang responsibilidad nila. Isa din ito'y maganda test kung masasabe mong meron silang credibilidad, katiwatiwala o dapat ikeep as good connections. Sa financial mentors/trainer/speaker, ang mentor na di nagbayad ay kinokonsiderang FAKE. Sila ang may kaalaman sa paggabay ng cash flow, ngunit nagpakita sila ng irresponsibilities sa financial obligations nila. (Ang HIHIRAM dapat may NAKADOKUMENTONG KASUNDUAN.) Dapat libre lang ang pagbigay gabay, hindi utang na loob, lalot ng hired naman sila ng company para magtrabaho. Action speaks louder than words.
•KAIBIGANIN. Isa to sa magdudulot ng malubhang ending. Ito'y tinatawag na OVER FAMILIARISATION. Dito magkakaroon ng paglampas sa boundaries upang makalimutan ang dapat purpose ng isang mentorship. Dito na din pwedeng malagay sa panganib ang subordinate dahil pwedeng pumasok ang hindi usapang trabaho. Dito din masisira ang buhay, reputation, trabaho o isang career ng bawat isa, dahil pwedeng pumasok ang personal na usapang mauuwi sa hindi pagrespetuhan ng isat isa, nawawalan ng professionalism sa goal. Matinding pinagiingat to sa mga business na may trabahong mindsetting tulad ng SALES at lalong lalo na sa mga baguhan. Bago magtiwala, panatilihing nasa trabaho lang ang paguusap, kung ito ay magaganap sa labas ng kompanya, huwag magisa, lalong lalo na sa baguhan. Kaya magingat din at dapat marunong kumilatis bago ito'y maturing good connections.
•MABULAKLAK. Hindi nabago ito, at ito'y number 1 na gawain ng kahit sinong gustong magkapera, makaquoata, makabenta o magkaroon ng fans o followers. Sa speakership ginagawa tong entertainment at matinding training. Tulad na din na PAGIYAK sa stage para convincing ang storya. Huwag magtitiwala sa mga OVER EXAGGERATED energy of presentation, PROMISING RESULTS (lalo na sa wala pang resulta o naka-TSAMBA sa resultang effort ng ibang tao.), PERSONAL LIFE SHARING (isa sa matinding building rapport.), unang mentoring na effective ang gabay (Patikim na effective leader daw sila.), VANITY over once achievements (PAULITULIT NA PAG PRAISE SA PAST ACHIEVEMENTS.), consistency on intiaiting a conversation (MUKHANG MAY MOTIBO.), important meeting sa labas ng opisina (MAGINGAT sa ADIK sa mga KAPE o MILKTEA talk.), IWASAN ang paghingi ng tulong dahil ikaw na ang kusang lalapit.
Kahit sino pwedeng magbigay gabay. Isa din babala na kahit isang LISENSYADONG consultant pwede magpalugi ng iyong negosyo. Maraming self-proclaimed coaches na mabigyan lang ng kaunting resulta, distinction o promotion ine-embodied na nila na sila ay MAGAGALING at DAPAT PAKINGGAN.
*Isa din sa karanasan na ang mentor pwedeng hindi nila sakop ang lahat ng kaalaman. Ipagpalagay na nating isa kang gumagawa ng advertisement at dahil nakapagresearch ka ng mas mainam na stratehiya ng makuha mo ATTENTION NG MANONOOD, ngunit ipinaalam mo na ito'y gagawin mo at di sinang-ayunan. (Mentor walang alam sa corporate marketing/advertising, forte nya ay sales.) HUWAG MASYADONG maniwala na alam nila lahat. Maiging tingnan ang past experience, past career o past expertise ng nagtuturo kung may alam ba sila sa sinasabe nila o nagdodominate lang sa mahabaang at confident na sagot upang magmuka silang tama. Nakakasira ng progreso. Walang flexibility sa ibang point of view at higit sa lahat, hindi good listener.
Ang skills ay natututunan. Ang posisyon ay hirable. Ang achievements ay nadadaya. Ang appearance ay napapabango. Ang ugali ay laging iisa. At ang isang pagkakamali hindi na mabubura habang buhay at kasalanan mo pa.
Mahirap magtiwala sa taong nagbibigay daan ng ating career dahil hindi natin alam kung saan ba talaga ito'y patungo. ALAMIN ang goal ng mentorship at kapag nakatunog na di na to tungkol sa trabaho, dumistansya na. Lumagay sa ethical na galawan para sa progresso at tuloy tuloy ng ikakaunlad.
A PUBLIC AWARENESS.
***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, family's emergency funds. Let's help one another.
#ethics #businessethics #mentorship #publicawareness #businesssuccess #businessforum #success #positivity #coaching #businessgrowth #businessopportunity #coach #businesstips #moneywise #MoneyWiseTips
No comments:
Post a Comment