Friday, 17 October 2025

Unethical Practices To Adultery & Concubinage

 


Unethical Practices To Adultery & Concubinage


https://youtu.be/uIDyoBzn9Hs?si=iMoZX-vIktzhO8sh


Magingat sa mga business partner, Boss, Supervisor, Coach or Company na nilele-galized ang pagkapaired sa loob ng opisina kahit ito'y may asawa o may karelasyon. Sekreto man, totoo, tripping o sa labas ng opisina. 


Ang Money Wise post na ito ay napakasimple, at walang halong kalaliman. Matagal ng alam ng karamihan at di na bago. Dadako lamang tayo sa usapang spiritual, karma at realidad. 


Sa usapang spiritual nariyan ang tinatawag na KARMA. Kung sa negosyo at may halong immoralidad, papaano pakaya maalagaan ang future ng kanilang negosyo o empleyado kung ang tagamahala ay sakim sa sarili niyang kagustuhan. Sa Industriang BPO (Utang na loob hindi ko nilalahat.) Napagbiruang ang hanapan ng kapareha sa loob ng opisina para hindi magbitiw ang ka-team. Ito'y nakikitang huling pagasa para lang hanapan ng motivation o dahilan pumasok lamang kahit ito'y may karelasyon na. Kung ang energy ng gumagawa ay madumi, malamang ang ma-attract neto ay hindi magandang resulta. Hindi nanatin kailangan pang laliman na iyan dahil obvious ang mga dahilan.


Napakisimple lamang. Labag sa batas, KONSTITUSYON, BIBLYA, PROSESO, o inner energy ang ganitong kasamaang ginagawa. Hindi purkit may abilidad ang isang namumuno o kasamahan ay mas matimbang ang resultang kilos kesa sa character.


Kaya naman pansinin ang mga history ng mga may ganitong issues. Nagsasara lang ang negosyo, nasisisante, nalulugi, o kaya naman walang magandang progreso sa kanilang pamumuhay. Humanap ng iilang example at kamustahin ang kanilang journey, diba't hindi sila nakakaligtas sa karma? Naging UGLY PATTERN na ito kung hindi parin sila NAGBABAGO!!!


Sa usapang negosyo. Mas malala ang karma neto, kung ang isang negosyante ay hindi matino, paano ba naman magtitiwala ang investor na protektahan nila ang kanilang pera kung sila'y naman hindi marunong sa mas dapat i-prioritize. Hindi na sila malinis, paano pa kaya ang proseso? Maihalintulad na may ilang company na lumagpas na ng 5 years bago pa magloko, (5 years is considered a major success for surviving the most critical years in opening a start up business.) kasama ang legal na asawa sa pag-angat ng family business, ngunit naghanap pa ito na legal na rason kung bakit kailangan mauwi sa di kanais-nais. Perfect fit ba siya negosyo o baka naman sa susunod na proyekto? Ang kanyang investment ay makakatulong ba? O kaya't naman ang abilidad ay kailangan sa pagasenso? Kaya hindi mai-tuwid ang mali. Ang resultang ganito ay bumagsak na ito at pilit sinasagip sa panibagong pangalan o rebranding.


Sa mga empleyado, kung sila'y umaakyat sa career ladder. Ano ang kasiguraduhang kapat-dapat ang resulta kung ang proseso neto ay may halong paglalaro lamang ang alam. Na hype lang ba sa career dahil may outside motivation? The more it becomes secret, the more it will be exciting. Tama diba? Temptation sa habulan at tagu-taguan ay nakakakiliti sa excitement para di na mabored sa rat work life cycle. 


Kung ika'y naman isang matinong tao at nakasaksi ng ganitong klaseng karumihan sa iyong opisina o negosyo, mas mabuti pang ikaw ay lumayo o putulin ang kamalasan dahil ito'y nagproproduce ng negatibong ENERGY sa professional environment ninyo. 


Kung ikaw ay empleyado, huwag na huwag makikisali o kunsintidor. Kung hindi maiiwasan, dumistansya at makipagplastikan na lamang.


Kung ikaw ay negosyante, huwag mo ng intayin na makarma lubusan. Sa tinagal at sugal na naipundar mo, hahayaan mo pabang bumagsak ito. 


Kung isa kanaman owner or management, huwag ng patagalin pa na may immoralidad at unethical sa mga tao mo nakakasira sa imahe ng iyong dugo't pawis na ilan taong bini-build.


Kung ikaw ay biktima ng kaharassan, manipulation, kasingulingan o ginagamit ka lamang, Isumbong naito sa HR dahil mas maiging gusto pa ng management na mawalan ng parasite sa kanilang empire. 


Sa mga couples na nagpundar ng ikakaangat ninyo sa buhay. Protektahan ninyo ang assets, pera, o pinaghirapan. Kahit na ikaw ay di kasal gumawa ng agreement na may laban ka sa negosyong pinaghirapan ninyo. Pre-nuptial agreement para sa meron ng nasimulan, lalo na sa bago makilala ang bagong partner. Kung ikaw naman ay legal na asawa, ano pa ba dapat mong gawin? Respetuhin mo ang sarili mo na naglaan ka ng katotohanan, dugo't pawis, pera, sakripisyo at kung ano pang naipundar para ipangwalang bahala ito. Lumaban ka sa naninira ng tahanan at future savings o mas masaklap, lumaban ka sa naninira ng pangarap ninyong mag-asawa sa gustong marating para sa mga anak.


https://www.marriage.com/advice/relationship/cheaters-karma/


I tell you who your friends are, and I tell you what you are. Birds of the same feather, flock together. Energy doesn't lie. History repeats itself. You can predict a person's behavior by analyzing the people they hang out with. Rat Race is for someone who doesn't learn. You are the company you keep. Like father like son. Like attracts like. Your choice defines you.


🛑 BUT REMEMBER REMEMBER, Spritual nga tayo tungkol sa swerte sa profits pero may BATAS padin dito.


Ang kalokohan sa loob ng opisina ay isang private matter. Sa trabaho we go to work for money. Kapag nagkasakit or namatay ka truly, wala silang pakielam sayo dahil mag-hihire lang sila ng bago. Sa ganitong aksyon, mapa-SUPERVISOR or NEGOSYANTE dapat wise sa mga actions. Tingnan ang policy kung may ganito na mag-fall na immoralidad ng opisina bago mag-sisante. Kung wala, mas maiging MAG-SAGAWA NG BATAS sa kompanya para may kontrol sa ganitong scandal. Pwedeng may sigaw ang mga HIBANG sa hustisya kay DOLE dahil nagagampanan naman nila ang kanilang pinirmahang employee's contract. Kadalasan sa kompanya wala silang pakielam, as long as na hindi maapektuhan ang trabaho at pangalan. Walang krimen tulad ng harassment. Ngunit, sa usapang kabitan at may mga asawa, pwedeng magdesisyon para sa makakabuti ng reputation ng kompanya. DAHIL ANG MARRIAGE ay isa sa pundasyon ng KONSTITUSYON kaya malakas ito kahit walang company policy ukol sa infidelity. Basahin ang nasa link sa ibat-ibang issue at batas ng company. May iilang company na mas pinili ang batas ng Pilipinas kahit wala ito sa Company's Policy dahil isa naman talaga itong krimen na nagagawa at dawit ang company. (Ex. Nagpost ang asawa na "legal" nadawit ang pangalan ng company's name. Automatic fired sila. Kasi negatibo ito sa imahe. Nagkaroon ng scandal. Madumi, Unethical, Immoral at higit sa lahat Illegal.) 


https://www.reddit.com/r/phcareers/comments/15top3r/is_it_normal_to_tolerate_cheaters_from_work/


Repost: (From my previous selfie post July 25, 2022. About how energy works for immoral characters.)


"Everything you do to me, already done to you." 3rd law of motion is always at work. "For every reaction, there's an equal force and opposite reaction(direction)." - Newton 


If you're Scamming now, Stop, because, it's already adding to the length of your repayment. 

If you're bullying now, Stop, because the time of your healing will take too long. 

If you're hard headed Ignorant now, Stop, because your stupidity will eat up the time of your growth. 


No need for revenge. No need to explain how clean and right you are. Before you meet them for the 1st time, before they plan anything against you, their negative forces are already written in their karmic vibrations. 


Doing the right thing, even nobody knows, will always bring the right thing to you.


Remember Amber Heard's case. The greater the damage she made, the greater she's paying now. Basic.


*People who cheat on their spouses are significantly more likely to engage in misconduct in the workplace, according to a study from the McCombs School of Business at The University of Texas at Austin published today in the Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America.

*they studied were more than twice as likely to engage in corporate misconduct.

*Their findings suggest a strong connection between people’s actions in their personal and professional lives and provide support for the idea that eliminating workplace sexual misconduct may also reduce fraudulent activity.

*Our results show that personal sexual conduct is correlated with professional conduct,” Kruger said. “Eliminating sexual misconduct in the workplace could have the extra benefit of contributing to more ethical corporate cultures in general.”


https://news.utexas.edu/2019/07/30/marital-infidelity-and-professional-misconduct-linked-study-shows/


https://www.askamanager.org/2013/12/should-an-extramarital-affair-disqualify-someone-from-a-promotion.html


Image by 

<a href="https://pixabay.com/users/jmosoyan-2682014/?utm_source=link-attribution&utm_medium=referral&utm_campaign=image&utm_content=1431256">Mosoyan Zhora</a> from <a href="https://pixabay.com//?utm_source=link-attribution&utm_medium=referral&utm_campaign=image&utm_content=1431256">Pixabay</a>

#karma #infidelity #adultery #concubinage #cheating #spiritual #badluck #businessgrowth #MoneyWiseTips #moneywise #GoodLuck #business #businessethics #workethic #workethicmatters #investment #LawOfKarma

No comments:

Post a Comment