Friday, 17 October 2025

Startup Con Artist "The Hawsyaw Business" Investment Fraud To Syndicated Estafa

 


Startup Con Artist

"The Hawsyaw Business"
Investment Fraud To Syndicated Estafa 


Magingat sa pekeng negosyante na magaling maglegalize ng motibo.


"hawsyaw" meaning in Tagalog

Adjective: bogus; phony; fake

Derived forms: hawsyawin, napakahawsyaw

Noun: something or someone bogus

pseudojournalist (especially those who cash in on payoffs and bribes made by news sources, particularly during elections)

By kaikki.org


https://www.entrepreneur.com/leadership/its-time-to-talk-about-startup-scam-artists/295304


The scammer will invite you to start up a business in a way they want to manipulate the costing. It will let you believe that they have a much higher share compared to what you have contributed and demand to have higher profit.


https://www.williamcausey.com/blog/2022/09/is-it-legal-to-lie-to-investors-about-your-business-concept/


Ang kadalasan na biktima ang mga taong walang alam o bago sa pinasok na negosyo. Dahil hindi nila alam kung gano ba talaga ang gastos sa pagumpisa. Ang kadalasang biktima ang mga investors na walang kontrol sa management, isa lang silang pumirmang investor, walang karapatang makielam sa systema ng negosyo. Hindi handy sa operations kaya kung ano ang nakasaad sa reports possibleng ito'y nakaforged na. 


https://victimconnect.org/learn/types-of-crime/financial-fraud/


Ipagpalagay na 5M ang napagusapang capital. Nakadeclare na siya ay may 3.5M at ikaw naman maglalabas ng 1.5M. Ang share naibahagi mo na isang milyon at kalahati ay doon lang papaikutin lahat ng gastos. Sakatunayan, 1.5M lang ba o mas mababa pa sa totoong magiging gastos sa pagpapatayo or pagumpisa.


Imagine wala na iambag ang kasyoso, ikaw lang ang pinaglabas ng pera, nakihati pa at mas mataas ang makukuhang pursyento pagdating sa shares.


Isa pang way para mas hindi obvious na malinlang ang iisang investor lang ang maglalabas ng pera ay ang grupong magkakaroon ng agreement na kunyare naghatihati sila sa 2M na pondo para sa 5M na korporasyon. Marami daw ang naginvest.


Advice: Sa mga papasok sa bagong negosyong di nila forte o di alam, mas mabuting magkaroon ng mentors na matagal ng naglalaro sa ganung industria. Ibigay sa abogado ang lahat ng pirmadong contrata, agreements at higit sa lahat ang accounting. Siguraduing naka notaryo at legal ang lahat ng documento at ikay may kopya ng lahat ng napagkasunduan. "HIGIT SA LAHAT." Bago maglabas ng pera, IPAREVIEW sa taong nakakaalam ng ganun klaseng business lalo na ang financial agreement, breakdown o capital. Gumawa din ng investigation or survey kung may history naba sila sa pagnenegosyo. 

 

Tandaan. Bilang isang ANGEL INVESTOR na may 75percent rate of losing from startup ay isang malaking sugal. Walang karapatan makielam sa negosyo kung nakakontrata ay investor lamang at di parte ng management o walang Shareholders Agreement. Malaking ibig sabihin na walang alam ang investor kung ano ngyayare sa perang pinasok nila kahit pakitaan pa sila ng "forged financial statement". Ang angel investor ang isa sa PINAKALUGI dito dahil hindi naman sila makakakuha ng growth or learnings sa negosyo dahil tagainvest lamang sila. Ang mga negosyante lang ang lamang, natuto, nagkaexperience, o nakascam (if there's a deceit or fraud involved) sa pera ng ibang tao.


Walang masamang sumugal sa negosyo pero maging mabusisi sa mga nagaalok ng investment para sa kanilang motibo na sila lang nakinabang sa perang nageexist. Kung gustuhin man, huwag solohin ang desisyon. Magpakonsulta sa business lawyers, business brokers or sa consultancy agency. Higit pang maghanap ng matagal na sa industria kung naguumpisa palamang maginvest sa hindi alam na service, produkto o systema. Malay ninyo na hindi naman aabot sa Milyon ang puhunan o may butas sa mga documento. Kung ganito man ang katotohanan, saan pa napunta ang ibang pera na para sana sa pondo ng iyong partnership.


Kung Ito'y SUCCESSFUL FRAUD malamang eto lang ang only income skills ng isang scammer at eto lang ang way niyang mag generate ng wealth dahil hindi nila alam pano magoperate ng totoong cashflow. Means, MODUS na ito na nakabiktima sa previous na investor. Kilalalin ang lage nilang kasama sa operation. Kasama din sa SYNDICATED ESTAFA ang mga tauhan na sumusunod sa illegal na action sa loob ng opisina tulad ng accounting, sa pagaudit, sa pagdeclare ng financial reports dahil sila sila lamang ang nagmamanage ng kaha, kahit hindi sila kasama sa investment fraud scheme.


Paano hindi nahuhuli? 

(See previous post about Bankruptcy to Estafa for more supporting links.) 


Ang pagiging isang Angel Investor ay 2 klase. Shareholders vs Investor. Ang Investor ay kadalasang ginagamit itong simpleng term sa naginvest pero may pagkakaiba ang dalawa. Mas piliin padin ang pagiging shareholders para may kapangyarihan makielam at bumusisi ng mga galawan ng isang management dahil dito nakasaad sa Shareholders Agreement ang detalyeng securidad ng isang investor. Bilang investor naman ay nagiintay kalamang sa Financial Return over the period of time. Dito na! Nagkakatalo, once nalugi si Investor na walang kaalamalam sa tunay na ginawa sa kanyang pera ay mauuwi sa dahilang "BANKRUPT! sugal ang negosyo, at least we tried." na klaseng mind setting.  


So, anong klaseng investor ka? Kung ika'y shareholders dapat parte ka ng Board of Directors, may ownership ito at pagdating sa liquidation, baka wala ka ng makuha kung wala ng matitira. 


🛑 Higit na sa tatandaan!!! Kung iilan lang pala kayong naginvest dapat BOARD OF DIRECTOR KA! dapat MAY CONTROL KA SA OPERATIONS! HINDI LEGAL NA TAGAINVEST KA LAMANG kasi sa laki ng pinasok mong pera, considered ka na isang equity or common shareholders na may SHAREHOLDERS AGREEMENT na pipirmahan! Ang may parte sa ownership, ay may karapatang makielam sa management at operations.


Upang makaiwas sa ganitong KAGALING NA PANLOLOKO, magpasuri sa mas nakakaalam ng hindi mabudol. Kasi sila ang kumukontrol ng negotiation. Sila ang mas nakakalam ng motibo at negosyong inaalok, kahit na may experience na sa pagnenegosyo, mas mabuting huwag silang hayaan magmando ng dapat gawin. Mas maiging hindi nila kilala ang abogado o experto para ipasurvey ang business proposal bago maglabas ng pera.


Kung sakali man TOTOO ang negosyo. Magiging totoo paba kaya ang systema, operations at mission ng mga kasyoso kung sa umpisa palang may PANDARAYA na naganap. Naumpisahan ng mali at ano pang susunod na ugali ng mga nanlalamang pagdating sa day to day transaction ng customer paakyat sa management. Kung walang alam sa pag-generate ng wealth, paano pa kaya ang cashflow ng kompanya? Puro loan at mindsetting nalang ba ang raised additional capital para lang masagip? Paano ang kinikita bawat araw o buwan, may nababawasan ba sa auditing? Magisip. 


Kung TOTOO man na may masisimulan bakit napakatagal magumpisa? Bakit wala pang promotions and marketing for public knowing? Totoo nga na may nauumpisahan sa galawang gastos sa documents. Pero ang pera naibigay ay unti-unting nauubos kasi sa ideayang konti lang naman, meron pa naman iniintay na NEXT investor kapag naubos, o kayat naman konti lang talaga ang puhunan. Ang pera na sana para sa negosyo ay ginawa ng pang-galaw o pang-gastos na hindi pa nakadokumento as official company's expenses. Logically, papano na kapag wala ng mailalabas. 


Incur Personal Debt

If an owner or founder does not have enough capital on hand, they may decide to take out personal loans to finance the company. The company likely can't receive a loan (or receive nearly as favorable loan terms) because it does not have an established financial history as the founder has. Because this bootstrapping method results in personal debt, the owner is personally liable for debt and may have personal assets seized should they go bankrupt and default on the loan. 🛑 Pero ang tanong, utang ba or swindler ang pagkuha ng pera? Pano hindi malaman na may fraud sa negotiation? Simple. Breakdown ng capital ng investors or owners ay naiadjust sa kunyare meron silang naiambag. Para kapag nalugi wala silang problemang loan dahil hindi utang ang pondo. 

https://www.investopedia.com/terms/b/bootstrapping.asp


Sa SYNDICATED ESTAFA mas successful ang masamang plano dahilan sa may taga MOTIVATE sa isa't isa para gawin ito. Kaya dapat naman talagang ipag sa BATAS sa dami ng manloloko mas nag leleverage ang motibo ng makapanloko pa. Mas marami ang galawang immoral at unethical sa loob at labas ng opisina. 


Remember, sa mga large scale stafa or syndicated stafa, hustisya nalang ilalaban nyo sa laki ng na "NAI-WALDAS", wala na silang maisosoli. Sa laki ng "NAITAGO", nakakatakas pa sila. Hahayaan ninyo paba ang mandurugas sa buhay ay makalusot o manalo sa kalokohan muli?


MODUS KUNG ITO'Y PAULIT ULIT NG GINAGAWA.


*This is the best legal way of stealing someone's hard earned money secretly. Think about it. In what way you could earn justice from this? If you don't know. 


A PUBLIC AWARENESS.


***A financial education for everyone. Feel free to educate me for everyone's benefit of protecting their family's finances, family's savings, and family's emergency funds. Let's help one another.


https://businesskitz.com.au/investor-vs-shareholder-the-differences/#:~:text=If%20you%20choose%20to%20invest,a%20few%20differences%20to%20note


https://www.sec.gov/investor/pubs/tenthingstoconsider.htm


https://www.robertmhelfend.com/federal-defense/misappropriation-of-funds/

https://millerlawpc.com/shareholder-fraud-common-examples/

Startup Scam:

https://youtu.be/HwDGGaIuO6g?si=Vvd_23sa_KRf-Qm7

https://www.entrepreneur.com/leadership/its-time-to-talk-about-startup-scam-artists/295304

https://fastercapital.com/content/Avoid-Getting-Scammed-by-a-Startup.html

https://www.inc.com/joe-procopio/startup-scams-bad-choices-every-entrepreneur-can-make.html

Real Stories Scam:

https://www.cbinsights.com/research/biggest-startup-frauds/

https://www.investopedia.com/articles/investing/020116/theranos-fallen-unicorn.asp


#estafa #syndicate #syndicated #syndicatedestafa #swindler #Swindle #conartist #ShareholderRights #shareholdersagreement #shareholders #shareholderdisputes #BusinessSuccess #businessgrowth #business #entrepreneur #businessopportunity #financialliteracy #FinancialSuccess #FinancialWisdom #financialfreedom #InvestmentOpportunity #investment101 #businessowner #negosyo #NegosyanteMindset

No comments:

Post a Comment